top of page
Search

Habang tumutungga ng alak… PIKTYUR NI HEART NA LASING, IKINALAT NI JOHN LLOYD

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | March 20, 2024




Kinaaliwan ang TikTok ni Heart Evangelista tungkol sa kanyang hangover after ng tribute kay Mr. Johnny Manahan. 


Sabi ni Heart, paggising niya, lasing pa rin siya at mahahalata ito dahil hindi pa malinaw ang kanyang pagsasalita.


May kuha ngang picture si John Lloyd Cruz na tumutungga si Heart sa bote na hindi ikinatuwa ng ibang fans ni Heart. Dapat daw, hindi na ipinost ni JLC ang picture ni Heart. 


Pero tingin ng iba, sparkling water lang ang ininom ni Heart, kaya walang image nito na nasira.


Kaya lang, sa inamin ni Heart na nagka-hangover siya, ibig sabihin, uminom siya sa party. Alak nga ang ininom niya at hindi sparkling water gaya ng inakala ng iba. 


Wala namang masama kung uminom at nalasing si Heart, and for sure, hindi lang siya ang nalasing. Saka, kasama niya sa party ang asawang si Sen. Chiz Escudero, kaya she was in safe hands.


Speaking of Heart, ipinost nito ang relos na may painting niya at hindi lang basta relos dahil sabi ng isang friend ni Heart, Rolex Day-Date ito. 


Ang mahal kaya ng Rolex at ang biruan nga ng mga fans ni Heart, sana may Casio o mas murang brand ng relos na may painting ni Heart para makabili sila.


                                              


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page