top of page

Habang papalapit na ang Pasko…90K outbound at inbound passengers, naitala – PCG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 20, 2022




Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Martes ng mahigit sa 50,000 outbound na mga pasahero habang mahigit 40,000 inbound passengers naman sa lahat ng mga pantalan sa bansa sa gitna ng pagdagsa ng mga travelers ng wala pang isang linggo bago sumapit ang Pasko.


Base sa latest situational report, ayon sa PCG personnel may kabuuang 50,973 outbound passengers at 48,694 inbound passengers ang kanilang na-monitor sa buong bansa hanggang alas-12:00 ng tanghali ngayong Martes.


Sinabi naman ng PCG na nakapag-deploy sila ng 1,934 frontline personnel sa 15 PCG districts habang nakapag-inspeksyon na rin ng kabuuang 380 sasakyang-pandagat at 437 motorbancas.


Ayon pa sa PCG, lahat ng mga distrito, istasyon, at sub-stations ng Coast Guard ay nasa “heightened alert” na para matutukan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa pagdiriwang ng yuletide season mula Disyembre 15, 2022 hanggang Enero 7, 2023.


Para sa karagdagang inquiries, concerns, at mga clarifications hinggil sa sea travel protocols at regulasyon, pinapayuhan ang publiko na kontakin lamang ang PCG sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page o ang Coast Guard Public Affairs sa 0927-560-7729.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page