ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 4, 2024
Isang hindi inaasahang ganap ang nasaksihan kamakailan sa Ocampo, Camarines Sur, sa tahimik at makabagbag-damdaming pagbisita ng pamilya ni Kyline Alcantara sa puntod ng kanyang mga yumaong lolo’t lola. Kasama ng Kapuso actress ang kanyang “jowa bells” na si Kobe Paras.
Taimtim na nagdarasal ang pamilya nang biglang sumulpot ang isang masigasig na fan — na may edad na, ha — para mag-selfie kasama sila.
Napatingin na lang si Kobe, and with one sharp look, sinopla niya agad ang fan na tila “kapit-tuko” ang hawak sa cellphone at determined na kunin ang moment na iyon kahit sosyal pa ang setting.
Agad na lumapit si Kobe at sinabihan ito nang mahinahon, pero klaro ang mensahe - hindi ito ang tamang oras at lugar para mag-selfie.
Napatigil ang fan, at kahit parang kinapitan ng kaba, umalis na lang ito nang makitang seryoso ang kanyang iniidolo.
At sino nga ba naman ang hindi aatras kapag ang poging si Kobe Paras na ang nagsasabi, ‘di ba?
Tama lang naman, ‘teh, ‘di ba? Sa ganitong klaseng setting kung saan abala ang pamilya ni Kyline sa paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay, medyo out-of-place talaga ang ganu’ng klaseng request. May resibo naman tayo na generous at approachable si Kobe sa mga fans sa ibang pagkakataon.
In fairness, hindi naman ito madamot sa photo-ops, game na game nga kapag nasa tamang mood at lugar. Pero time and place lang talaga, at tila minalas ang fan sa eksenang iyon dahil nakalapit man, hindi nakakuha ng selfie.
Sa kabila ng mini-drama na iyon, naitawid pa rin ang trip ng pamilya ni Kyline. Ayon sa malalapit sa aktres, bihirang makadalaw ang pamilya sa puntod ng yumaong ama’t ina ni Mommy Weng, kaya espesyal talaga ang pagpunta nilang ito.
Sa gitna ng hectic schedule ni Kyline sa showbiz, siniguro nilang makadalaw sila sa kanilang mga mahal sa buhay na pumanaw, at tahimik nilang naipagdasal ang kaluluwa ng mga ito.
At talaga namang #Talbog ang ganap! Kahit may pa-eksena ang fan, ipinakita pa rin nina Kyline at Kobe ang respeto at pagmamahal sa pamilya. Ito ang mga tipong ganap na nagpapatibay sa relasyon ng dalawa — hindi lang sa isa’t isa kundi pati sa kanilang mga pamilya. Parang sine nga, besh, may plot twist na, may moral lesson pa sa dulo.
Isang epic na musical showdown ang magaganap sa The Theatre at Solaire ngayong Nobyembre 9, 8 PM!
First time kasing magsasama sa entablado ang dalawang OPM legends — ang Original Queen of Soul ng Pilipinas na si Ella May Saison at ang South Border frontman na si Jay Durias.
Isang concert na puno ng kilig, hugot at feels ang hatid nila sa Soundtrip Sessions Volume 3 (SSV3), presented by Dragon Arc Events Management.
Isa ito sa mga collaborations na walang katulad.
Kung fan ka ng mga classic OPM hits, best in pak na pak ang concert na ito! Kakaibang magic ang dala ni Jay Durias at ng South Border, na tutugtugin ang mga hugot hits nila tulad ng Love of My Life, Kahit Kailan at Habang Atin Ang Gabi.
Sey nga ni Jay, “First time naming magkasama sa stage with Ella May, kaya bagong timpla ito.”
Get ready for a night of nostalgia na sesentro sa love and music!
Walang duda na si Ella May Saison ang Reyna ng hugot songs at soul music back in the ‘90s.
Si Ella May ang peg mo kung “hugot pero classy” ang vibe na hanap mo. Sino ba naman ang hindi nag-breakdown sa kanyang songs na Till My Heartaches End at If The Feeling Is Gone?
Extra special pa ang gabi dahil kasama niyang magpe-perform ang kanyang siblings na sina Elke Saison-Ortiz at Elhmir Saison—isang family affair na puno ng puso!
Si Jay naman, bilang maestro ng South Border ay patuloy na nagse-serve ng lutong OPM hits sa bawat performance niya, kaya walang kupas ang mga kantang tumawid na sa iba’t ibang generation. With his passion for music, siguradong ramdam ng audience ang bawat lyrics at nota ng bawat kanta nila sa concert.
Mula 2019, Soundtrip Sessions ang naging tambayan ng mga fans ng classic OPM. Ngayong Volume 3, ibang level na ang aabutin ng series dahil sa pag-collab nina Ella May at Jay.
Huwag nang magpahuli, mga ateng! Grab your tickets. Feel na feel ang vibe ng ‘80s at ‘90s—isang gabing siguradong ikakakabog ng puso mo!
Tara na, mga besh! Samahan sina Ella May Saison at Jay Durias sa isang concert na certified pampabaliw.
Comments