ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 13, 2025
Photo File: Alfred Vargas - IG
Kinuha ni Ogie Diaz ang atensiyon ng actor-turned-politician na si Alfred Vargas para iklaro ang binitawang salita nito sa kumakalat na video kung saan tinawag niyang “mga mukhang adik” ang mga nakukuhang leaders ng mga kalaban nila sa pulitika.
Tumatakbong councilor sa 5th District ng Quezon City si Cong. Alfred at sa isang pangangampanya nito, nagbitaw ang aktor-pulitiko ng ganitong pahayag: “Kasi kami, halimbawa kami ni Cong. PM, ‘pag namimili kami, pinipili namin ‘yung magaganda’t guwapo. Kasi kung titingnan ninyo, ‘yung mga nakukuhang leaders ng mga kalaban namin, mga mukhang adik,” na tinawanan ng audience.
Patuloy pa ni Vargas, “Totoo, ‘di ba? Saka, puro may mga utang. Hindi nagbabayad. Totoo, ‘di ba? Kilala namin ‘yung mga leaders ng kabila, eh. Hindi ba, bro? Kaya sa tingin ko, Colonel, marami kayong ikukulong na mga adik.”
Ang original video ay naka-post sa FB page ng Kilusan Kontra Korapsyon at ang daming backlash kay Konsehal Alfred mula sa mga netizens.
“Ikaw naman ay isang malaking kahihiyan. Konsehal ka pero ang tabas ng dila mo para manghusga sa mga leaders ay ganyan? Malayung-malayo ang mararating mo—hanggang sa hindi ka na makabalik ulit,” ani ng isang commenter.
“Nakakahiya bukambibig mo! Magkapatid nga kayo, lahat gagawin para manira lang ng taong may paninindigan. Hindi na kayo karapat-dapat mamahala sa Distrito Singko.”
Ano kaya ang masasabi ni Kon. Alfred Vargas dito?
Bukas ang aming pahina para sa paliwanag ng aktor-pulitiko.
Alang-alang sa 13th birthday ng anak nina John Estrada at Priscilla Meirelles na si Anechka, nagkaroon ng reunion ang ex-couple.
Sa Instagram (IG) account ni Priscilla ay may posted photos na kuha sa birthday ng anak.
Makikita sa larawan ang ama ni Anechka na si John.
Viral ang nasabing photos na ini-upload ng former beauty queen.
Ang birthday message ng ina sa anak, “My love, my heart explodes with joy at the thought of your happiness! As your mother and your all-time best friend, nothing makes me happier than seeing you smile. I would literally move mountains just to keep that joy shining on your face!”
In-assure rin ni Priscilla na lagi lang siyang nand’yan kapag kailangan siya ng anak.
Aniya, “Now that you’re diving into the amazing adventure of your teenage years at 13, always remember that I’ll be your biggest cheerleader, rooting for you at every turn. Whenever you need a helping hand or someone to guide you, I’ll be right here, ready to jump in!”
Sa huli, pinasalamatan ni Priscilla Meirelles ang anak for being an ‘incredible human being’.
Comments