ni Lolet Abania | May 28, 2022
Makakaapekto sa ngayon ang Southwest Monsoon o Habagat sa western sections o kanlurang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA ngayong Sabado.
Batay sa 4PM weather forecast ng PAGASA, makararanas ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms.
Nagbabala rin ang state weather bureau sa posibleng flash floods o landslides sanhi ng katamtaman at paminsang malakas na pagbuhos ng ulan.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms sanhi ng localized thunderstorms na posibleng magdulot ng flash floods o landslides dahil sa severe thunderstorms.
Samantala, ang western sections ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin na kumikilos pa-timog-kanluran patungong timog habang ang coastal water conditions ay magiging katamtaman.
Ayon pa sa PAGASA, “Light to moderate wind speed forecast will prevail for the rest of the country moving southeast to south, while coastal water conditions will be slight to moderate.”
Comments