top of page

Gyms, Salon, Tutorial Center atbp., balik-operasyon sa Sept. 1

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 31, 2020




Maaari nang magpatuloy ang operasyon ng mga gyms at personal grooming services, gayundin ang review, testing at tutorial centers sa Metro Manila simula bukas, Martes, Setyembre 1, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.


Aniya, "By tomorrow, ‘yung na-defer po natin na sector na hindi natin nabuksan dahil nag-general community quarantine (GCQ) tayo, 'yung ibang sektor kagaya ng personal grooming services, tutorial and review centers, ang mga gyms itutuloy na sa pagbukas starting tomorrow, Sept. 1."


Ayon din kay Lopez, nakikipag-ugnayan ang Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases sa mga mayor ng Metro Manila upang masiguro ang maayos na operasyon ng mga naturang negosyo.


Aniya pa, "Sa sector na bubuksan bukas, may kani-kanyang health protocol na mas angkop sa sector na iyon.”

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page