ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Oct. 31, 2024
Photo: KathDen FB / Circulated
Akala namin ay kami lang ang nagulat sa mga sagot ni Kathryn Bernardo sa dalawang minutong Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na mapapanood sa YouTube (YT) channel ng GMA-7.
May mga nagtanong sa amin kung nasukol ba ni Kuya Boy si Kath dahil sa mga isinagot nito sa tanong niyang “Lights off o lights on”, “Happiness or chocolates” at “Best time for happiness”.
Inisip naming baka sadyang sinagot na rin nang totoo ng aktres ang mga tanong dahil nasa edad naman na siya at hindi na rin puwedeng pagbawalan ng Star Magic na kilalang tsinetsek muna ang mga tanong bago nila payagang sumalang ang kanilang mga artista.
Anyway, sinagot kasi ni Kathryn ng “lights off at happiness” ang tanong ni Kuya Boy at sa sundot nitong best time for happiness ay may pagka-diing sabi ng aktres, “Anytime!”
Ang dating Kathryn kasi ay nakilala ng lahat na puro ngiti at kapag may ayaw siyang sagutin na tanong ay nakikiusap na "Puwedeng ‘wag ko na lang sagutin?" at isa rin kami sa mga naka-experience nito noon.
Samantala, mukhang super close na talaga sina Kathryn at Alden Richards dahil naiinis daw siya sa binata kapag sabaw kausap. Sobrang naaaliw o natutuwa ang dalaga kapag pinagtitripan niya ito at guwapo ang tingin niya sa ka-partner kapag maayos at malinis ang buhok nito.
Isa pang ikinagulat din ng iba ay handa na raw uling magmahal si Kathryn anytime at sa bilang na 1-10 ay 9 ang sagot niya sa tanong kung gaano kasaya ang puso niya ngayon.
Ibig sabihin ay may nagpapasaya ngayon kay Kathryn at posibleng si Alden iyon dahil umamin naman itong nanliligaw siya at lagi silang magkasama dahil sa promo ng pelikula nilang Hello, Love, Again (HLA).
Kinasuhan nina Kiko at Sharon… CRISTY FERMIN, NAGBAYAD NG P240 K BAIL PARA SA 5 COUNTS NG LIBEL
SHOUT-OUT ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na Cristy FerMinute (CFM) nitong Martes nang tanghali, walang mapapala ang mga nagpakilalang ahente sila ng National Bureau of Investigation o NBI at miyembro naman ng kapulisan, dahil hindi na siya puwedeng damputin lalo't nakapag-bail na siya.
“Heto na po ang order, wala po kayong mapapala sa akin, pirmado na po ni Judge Andres Bartolome Soriano ng Branch 148 RTC Makati ang (release) order, hayan, naiayos ko na po ang problema, wala na po kayong maaaring gawin," diing sabi ni ‘Nay Cristy.
Matatandaang absent si ‘Nay Cristy sa CFM nu'ng Lunes, Oktubre 28, dahil nag-voluntary surrender siya kay Judge Andres Bartolome Soriano ng Branch 148 RTC Makati City para sa kasong libelo na isinampa nina dating Sen. Francis Pangilinan at Sharon Cuneta at nagbayad din ng bail.
“Ako ay laging ganyan (sa mga kaso noon), voluntary surrender ang ginagawa ko, ayaw ko po ng pinaghahanap pa ako ng batas dahil marespeto po ako sa batas.
“Kaya kahapon (Lunes), ako po ay nag-bail. Kaya ‘yung five counts po ng libel na isinampa laban sa ‘kin ng mag-asawang dating Senador Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ay binail ko na po ‘yan ng P240,000. Eh, five counts, napakarami pong kailangang pirmahan."
Ang nakakatuwa sa kuwento ni 'Nay Cristy, “Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng nakahalubilo ko, mga nakakuwentuhan mula po sa first floor, naku, grabe po talaga hanggang 14th floor, talagang laganap po ang CFM at SNN (Showbiz Now Na). Maraming salamat sa inyong pangungumusta, sa pagtapik sa aking balikat, sa pagsama ninyo na
‘Lalaban tayo.’ Maraming salamat po sa inyong mga pagmamahal.
“Kahit po ‘yung staff ng Branch 148, maraming salamat sa inyo, sa pagtulong sa pag-aasikaso. At higit sa lahat, sa aking abogado, Atty. Shirley Tabancura, kay Merven at kay Tina (assistant ni Nanay) na talagang aligagang-aligaga sa pagpapanhik-panaog, buti may elevator.
“At sa aking CFM’ers at SNN’ers, kayo po ang nag-iiniksiyon sa aking dextrose para ako ay lumakas. Maraming salamat sa inyo at sa mga vloggers na panay ang kumusta sa ‘kin.”
Comentarios