ni Julie Bonifacio @Winner | May 23, 2024
Usap-usapan ang “pagkerengkeng” ni Jane de Leon kay SB19 member Ken Suson. Kumalat ang tsika pagkatapos ng successful two-night concert ng SB19 sa Araneta Coliseum.
May kuwento kasi na si Jane ay bumili ng maramimg tiket bilang premyo para sa day 2 ng concert. May pa-contest si Jane sa mga fans ng SB19 at ang prize ay VIP standing with soundcheck tickets worth P7,000, which is the second highest ticket price ng concert.
Ang pinakamahal kasi na tiket ay nagkakahalaga ng P7,500 VIP seated with soundcheck.
What does it mean ng may soundcheck? They are given the privilege to watch the rehearsal.
Ang bongga ni Jane, yayamanin!
Sabihin na nating sa sampung tiket na lang na in-sponsor ni Jane for P7K, worth P70K na, ha?
May pera na pala si Jane, ha? In fairness, mahusay siyang mag-ipon para maglustay ng ganyang halaga.
Crush pa lang niya si Ken niyan, ah, I suppose. What if naging dyowa pa niya si Ken?
During the actual concert, post nang post si Jane sa kanyang IG Story ng lahat ng ganap ni Ken sa show.
Bukod kay Ken, etsapuwera ang ibang SB19 members gaya nina Pablo Naste, Josh Cullen-Santos, Justin de Dios at si Stell Ajero sa Instagram Story ni Jane.
Siyempre pa, ‘di ito nakalusot sa mga netizens especially sa mga fans ni Ken. So, selos na may magkahalong kabuwisitan sila kay Jane.
May nag-dialogue pa raw ng, “Jane, pumila ka. Mahaba ang pila. Huwag mong daanin sa pagiging Darna!”
But on the other hand, may mga natutuwa at kinikilig sa galawan ni Jane. Dahil d’yan, nagkaroon ng clamor na sa next project ni Ken, specifically ang new song ng male singer na pinamagatang Fuse, suggestion nila na si Jane ang kuning star sa gagawing music video ng kanta.
In the same manner, wish ng mga fans na sa susunod na gagawing project ni Jane ay si Ken naman ang kanyang leading man.
Aba, feel pala ng mga netizens ang pair nina Jane at Ken as love team, ha?
Comments