top of page
Search
  • BULGAR

Gusto nang makaroon ng family bonding? Mga lugar na ‘di dapat palampasin

ni Mabel Vieron @Lifestyle | September 11, 2024



File photo

Bagot ka na ba sa kakatrabaho? Naku, besh! Huwag mo naman masyadong isubsob ang iyong sarili sa pagtatrabaho. Bakit ‘di mo muna kaya subukan ang mag-unwind kasama ang iyong pamilya? 


Maraming lugar dito sa ‘Pinas na puno ng adventure, at kasiyahan na tiyak na ‘di n’yo malilimutan. Magmula sa mga beach, hanggang sa mga makasaysayang lugar na tiyak na magbibigay saya sa bawat miyembro ng pamilya. Gusto n’yo yorn? Ako rin, gusto ko nu’n! Char! 


Narito ang ilang lugar na siguradong magbibigay saya sa bawat miyembro ng pamilya. 


  1. ENCHANTED KINGDOM, LAGUNA. Kung ang pamilya mo ay mahilig sa thrill rides at magical experiences, ang Enchanted Kingdom ang tamang destinasyon para sa inyo! Mula sa makulay na parade hanggang sa nakakakaba na rides, siguradong mag-uumapaw ang saya ng bawat isa kapag dito kayo nagtungo. Oh, ‘di ba?

  2. HUNDRED ISLANDS, PANGASINAN. Para sa mga pamilya na gustong mag-relax at mag-enjoy, ang Hundred Islands ang perfect na lugar para sa inyo. Pumili ng isla, mag-swimming, o mag-picnic sa tabing-dagat—madali lang itong gawing bonding activity para sa buong pamilya. Sure akong masusulit n’yo talaga ang ganitong bonding moment! 

  3. TAGAYTAY. Kung gusto ninyo ng malamig na klima at breathtaking na tanawin, tagumpay ang Tagaytay. Mag-relax sa Taal Volcano view, mag-enjoy sa mga cozy restaurants, at maglakad-lakad. Tiyak na ‘di lang bagets ang makakapag-enjoy dito.

  4. VIGAN, ILOCOS SUR. Balikan ang nakaraan sa pamamagitan ng pagbisita sa Vigan. Ang makasaysayang siyudad na ito ay puno ng kolonyal na arkitektura at maayos na kalsada na oks pasyalan. Ang mga magulang at mga bata ay parehong masisiyahan sa pag-explore ng rich culture at history ng Vigan.

  5. CEBU. Ang Cebu ay may lahat ng kailangan para sa isang family vacation. Mula sa mga beautiful beaches sa Mactan hanggang sa thrilling whale shark watching sa Oslob, bawat miyembro ng pamilya ay makakahanap ng exciting na activities dito.

  6. BANAUE RICE TERRACES. Para sa mga pamilyang gustong maglakbay at matutunan ang mga tradisyunal na pamumuhay, ang Banaue Rice Terraces ay isang perfect na destinasyon. Ang stunning terraces ay nagbibigay ng unique na pagkakataon na maranasan ang kalikasan at kultura ng Ifugao.


Sa bawat lugar na ito, siguradong magkakaroon kayo ng pagkakataon na makapag-bonding, makapag-enjoy, at lumikha ng magagandang alaala. Kaya’t pack your bags, at maghanda sa mga adventure na magdadala ng ligaya sa bawat miyembro ng pamilya! Okidoks?


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page