Dear Roma Amor - @Life & Style | September 14, 2020
Dear Roma,
Tawagin mo na lang akong Jel. Ako ay incoming second year college student sa kursong Journalism. Alam naman natin na lahat tayo ay kailangan mag-adjust ngayong may pandemic at kasama na roon ang pagpasok sa school. Sa totoo lang, parang ayaw ko munang mag-enroll ngayong taon dahil iniisip ko pa lang ang kailangang gastusin ng parents ko para sa tuition at gadget, nanghihinayang na ako. Kinausap ko na sina mama at papa tungkol dito, pero sabi nila, ‘wag daw akong hihinto sa pag-aaral hangga’t kaya nila akong pag-aralin. Feeling ko kasi, pabigat ako dahil nawalan ng work ang papa ko, tapos mag-isang nagtatrabaho ang mama ko. Sa tingin mo, Roma, dapat ko bang sundin ang desisyon ng mga magulang ko? –Jel
Jel,
Alam mo, nakatutuwa na talagang nagsisikap ang mga magulang mo na mapag-aral ka kahit mahirap ang buhay ngayon. ‘Wag mong isipin ang gastusin dahil hindi ka pababayaan ng parents mo. Ang dapat mong gawin ngayon ay magpokus ka sa iyong pag-aaral at ‘wag sayangin ang kanilang tiwala. Magpasalamat ka pa rin dahil may mga magulang kang handang sumuporta sa iyo. Tulungan mo sila sa iba pang paraan at pagbutihin mo ang iyong pag-aaral. Good luck!
Comments