top of page
Search
BULGAR

Gusto lang naman tumulong… Lalaking nag-guarantor para sa tropa, naiipit

ni Sis. Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | July 10, 2024



Kuwento ng Buhay at Pag-Ibig


Dear Sister Isabel,


Magulo ang isip ko ngayon dahil sa problemang bumabagabag sa akin. Napilitan akong maging guarantor ng best friend ko dahil awang-awa ako sa kalagayan niya, dahil kapos na kapos sila sa pera. 


Ang masaklap lang, Sister Isabel, hindi niya hinuhulugan ang inutang niyang malaking halaga kahit mayroon naman siyang negosyong binubuksan. 


Ako tuloy ang naiipit at sinisingil ng lending company na inutangan niya, dahil ako umano ang nag-guarantor. Hindi ko rin kayang bayaran ang inutang niya dahil sapat lang ang sinusuweldo ko para sa amin. 


Ano kaya ang dapat kong gawin? Binigyan na ako ng due date ng lending company, pero hanggang ngayon wala pa rin akong maibayad. Nawa’y mapayuhan n’yo kung paano ko malulutas ang problema ko. Hihintayin ko ang sagot n’yo.

Nagpapasalamat, 

Herbert ng Oriental Mindoro


 

Sa iyo, Herbert,


Ang pinakamaganda mong gawin ay makiusap ka sa lending company na kung puwede gawing installment ang perang inutang ng bestfriend mo. Ipaunawa mo sa kanila na naawa ka lang sa bestfriend mo, at hindi naman talaga ikaw ang may utang. 


Sa palagay ko naman pagbibigyan ka rin ng lending company na nagpautang sa kaibigan mo. 


Sa kabilang dako, maging leksiyon nawa sa iyo ang nangyari. Huwag ka na agad papayag na maging guarator. Mas maawa ka sa sarili mo na siyang mananagot sa kanilang obligasyon. Hanggang dito na lang, malalampasan mo rin ang problemang gumugulo sa isip mo. Sundin mo lang ang sinabi ko, dahil tiyak na pagbibigyan ka rin ng lending company kung makikiusap ka sa kanila.

Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo



File Photo

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page