ni Angela Fernando @News | August 24, 2024
Nilinaw ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na hindi pupunta ng China ang dating Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo matapos lumabas ang mga ulat na siya ay nasa Indonesia pa.
Nagpahayag si Casio na hindi makakapasok ng China si Guo dahil isa siyang person of interest dahil inakusahan siya ng isang mabigat na krimen sa 'Pinas na may kaugnayan sa ilegal na sugal.
"We know how strict China is in relation to gambling in their own territories, so definitely she will not come to any of those territories," saad niya.
Dahil dito, sinabi ni Casio na si Guo at ang kanyang mga kapwa pugante ay sinusubukang makapasok sa Golden Triangle.
Comments