ni Angela Fernando @News | July 14, 2024
Kasalukuyang hindi pa naaaresto ng Office of the Sargent-at-Arms (OSAA) ang suspendidong Mayor ng Bamban na si Alice Guo at ang iba pang mga taong sangkot sa isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nanawagan na rin si Sen. Risa Hontiveros nu'ng Sabado sa alkalde at sa kanyang mga kamag-anak na sumuko na matapos pirmahan ni Senate President Francis Escudero ang mga warrant para sa kanilang pag-aresto dahil sa hindi pagdalo sa imbestigasyon ng Senado.
“There are consequences in disregarding the subpoena. Complying with the subpoena has never been just optional. The fact that we have to arrest them for them to face the Senate, it looks like there are really powerful people behind the setting up and operations of POGOs” saad ni Hontiveros.
Si Guo ay idineklarang in contempt at ipinag-utos na arestuhin dahil sa dalawang beses na pagtangging dumalo sa nagpapatuloy na mga pagdinig ng Senado, kung saan siya ay nakapagbigay na ng testimonya nang ilang beses.
Matatandaang sinabi niya na traumatized siya at nanawagan sa Korte Suprema na pigilan si Hontiveros at ang kanyang Komite mula sa patuloy na pag-iimbestiga sa kanya. Ayon kay Guo, nilalabag ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa due process at privacy.
Comments