top of page
Search
  • BULGAR

Guo, dapat makulong sa 'Pinas bago ipa-deport — Hontiveros

ni Eli San Miguel @News | June 28, 2024



News

Inihayag ni Senadora Risa Hontiveros ngayong Biyernes, na kinakailangang magserbisyo ng sentensya sa Pilipinas si dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac kung pinal na ang hatol na 'guilty' sa kanya.


Sa isang virtual conference, binigyang-diin ni Hontiveros ang mga salita ni Undersecretary Nicholas Ty ng Interagency Council Against Trafficking (IACAT) tungkol sa posibleng kapalaran ni Guo.


“Yun yung sinigurado ko sa Department of Justice, in particular kay Usec. Ty, na head ng Inter-Agency Council Against Trafficking, na kahit magkaroon ng penalty of deportation sa kanya, kapag na-convict siya on any of those cases, she will first have to serve her sentence here in the Philippines,” ani Hontiveros.


“So, kumbaga, hindi lang free pass na made-deport at doon na lang niya harapin yung consequences sa kung saang bansa siya idedeport, but she will have to face the consequences kapag mapatunayan ng mga korte natin na nilabag niya, ang mga batas ng ating Republika,” dagdag niya.


Naghain ng non-bailable qualified human trafficking charge ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission laban sa suspindidong mayor dahil sa umano'y koneksyon niya sa Zun Yuan Technology Inc. — isang ilegal na Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub sa kanyang bayan.


Inakusahan ng mga senador si Guo na isang Chinese na nagkukunwaring Pilipino na may pangalang Alice Leal Guo. Pinagtibay ng National Bureau of Investigation ang alegasyong ito sa pamamagitan ng pagkumpirma noong Huwebes na tumugma ang mga fingerprints ng mayor sa pasaporte ng babaeng Chinese na si Guo Hua Ping, na pumasok sa Pilipinas bilang 13-anyos noong Enero 12, 2003 gamit ang espesyal na investor resident visa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page