ni Jasmin Joy Evangelista | February 2, 2022
Umabot na sa 567 ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban matapos makapagtala ng 21 violators kahapon, February 1, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP, nakumpiska mula sa mga ito ang 21 firearms, 71 ammunition, at 9 deadly weapons.
Ang mga bagong violators ay naaresto sa Quezon City, Manila, Davao City, Bataan, Cagayan, Muntinlupa City, Navotas City, Las Piñas City, Pasig City, Masbate, Laguna, Cebu, San Juan City, Caloocan City, Valenzuela City, at Pasay City.
Nasa kabuuang 3,825 checkpoints ang naka-set up nitong Martes.
Sa ilalim ng Resolution No. 10728, ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdadala o pagbiyahe ng mga firearms at deadly weapons sa labas ng bakuran at sa lahat ng pampublikong lugar mula January 9 hanggang June 8.
Exempted dito ang mga awtoridad basta sila ay mayroong authorization mula sa Comelec at suot ang agency-prescribed uniform habang nasa duty sa kasagsagan ng election period.
Comments