top of page
Search

Gun ban violators umabot na sa 318 — PNP

BULGAR

ni Jasmin Joy Evangelista | January 24, 2022



Umabot na sa 318 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa election gun ban, ayon sa Philippine National Police nitong Linggo.


Batay sa datos ng PNP, 41 ang naaresto nitong Linggo kung saan lahat ito ay pawang mga sibilyan.


Sa ngayon ay nasa 45,638 na ang mga checkpoint sa bansa upang ipatupad ang gun ban.


Ang mga violators ay posibleng maparusahan ng pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na taon, disqualification to hold public office, at deprivation of the right to vote.


Samantala, ang campaign period para sa national at local elections ay magsisimula sa February 8 at March 25.

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page