top of page
Search
BULGAR

Gumradweyt, ayaw lang daw mapahiya… OGIE SA ANAK: KAYA KONG MATABUNAN NG PERA ANG MUKHA MO

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 7, 2024



File photo showbiz


Ayaw gayahin ni Ogie Diaz ang viral video na sinabitan ng money garland ang estudyanteng nagtapos ng Senior High sa anak na nagtapos ng elementarya.


Ipinost ni Ogie sa kanyang Facebook account ang larawan nilang mag-asawa kasama si Georgina na nagtapos ng elementarya kamakailan.


Ang caption ni Ogie, “Georgina, anak, congratulations! Senior High School ka na!

Gusto sana kitang sabitan ng money garland kasi ‘yun ang uso ngayon at ‘yun ang naba-viral, pero pinili kong ‘wag na.


“Unang-una, ang mental health mo ang concern ko, ayokong mag-grandstanding ang daddy mo. Kaya ko namang magpagawa ng maraming ganyan hanggang sa matabunan na ng pera ang mukha mo, pero ayaw kong pagtinginan ka ng mga kaklase mo at gusto kitang bigyan ng kahihiyan kahit hindi mo hingin. Ikaw naman ang iniisip ko, hindi ang kayabangan ko.


“Ayokong gawin ‘yung money garland viral, tapos, makikita ko lang na mapakla ang ngiti mo kasi hiyang-hiya ka sa pagpapapansin ng daddy mo na gusto lang ma-viral,” dagdag pa ni Ogie. 


Aniya, “Gusto kong makita sa mukha mo ang sincere na ngiti habang proud parents lang kami ng mama mo.


“‘Yun lang naka-graduate ka ay sapat na. At moment mo ‘yan, hindi namin ‘yan aagawin sa‘yo.”


Si Georgina ang ika-tatlo sa limang anak ni Ogie.       

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page