top of page
Search

Gumagawa raw ng record… JOEY: IT'S SHOWTIME, NEXT EAT… BULAGA! NA

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 24, 2023




Mismong ang big boss at owner ng TV5 na si Manny V. Pangilinan ang nagsabing may offer sila sa It’s Showtime bago ito lumipat sa GTV, ang sister network ng GMA-7.


Noong Media Day ng TVJ with the ‘legit’ Dabarkads ay lumabas din sa social media ang announcement ng ABS-CBN na sa GTV na mapapanood ang It’s Showtime. At sa July 1 na rin magsisimulang umere sa noontime slot ng nasabing network ang Kapamilya show.


Nilinaw naman nina Tito Sotto at Joey de Leon na hindi na-bump-off ang It’s Showtime dahil sa pagpasok ng TVJ sa Kapatid Network.


Patapos na rin kasi ang kontrata ng It’s Showtime, kaya ibinigay na sa kanila ang nasabing noontime slot ng TV5.


Well, maaaring nag-offer nga sila sa It’s Showtime, pero sa 4:30 PM time slot na ililipat ang nasabing Kapamilya show, kaya inayawan ni Vice Ganda at ng iba pang hosts ng It’s Showtime.


Sanay na raw kasi ang mga viewers ng nasabing Kapamilya show na sa tanghali sila napapanood.


Bukod pa ru’n, hindi rin nila type na mailagay sa afternoon slot.


At nang makahanap nga sila ng bagong tahanan sa GTV, labis na nagpasalamat si Vice at ang buong It’s Showtime hosts dahil may kumupkop sa kanila at may bago na silang tahanan ngayon.


Well, tama ang sinabi ni Joey na sumusunod sa yapak nila ang It's Showtime sa paggawa ng record na palipat-lipat ng TV stations.


Ang Eat… Bulaga! ay nagsimula sa RPN-9, napunta sa ABS-CBN, 28 yrs. sa GMA-7 at ngayon ay nasa TV5 naman ang TVJ.


Ang It's Showtime naman ay nagsimula sa ABS-CBN, napunta sa TV5, ngayon ay sa GTV naman. 'Di rin imposibleng soon ay mapanood ito sa GMA-7 at ipalit sa EB! kapag natapos na ang kontrata ng TAPE, Inc..


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page