ni Mabel G. Vieron | April 22, 2023
Sa patuloy na kaguluhan sa Sudan, napagdesisyunan ng Pentagon na maghanda sa posibleng paglikas ng mga empleyado ng US Embassy sa Khartoum.
Ayon kay US Defense Department spokesperson Phil Ventura, nagsagawa umano sila ng mga pagpaplano at inaalam ang ilang maaaring mangyari sa Sudan.
Samantala, may mga dinagdag silang mga sundalo upang makatulong sa mga lilikas na mga emplyedo ng embahada.
Sumiklab ang labanan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces (SAF) na pinamumunuan ni Abdel Fattah al-Burhan, at Rapid Support Forces (RSF), na siyang loyal kay General Mohamed Hamdan “Hemedti” Dagalo na ikinasawi ng mahigit 300 katao, noong nakaraang linggo.
Comentarios