top of page
Search

Gulay may pagtaas ng presyo sa ilang pamilihan

BULGAR

ni Jasmin Joy Evangelista | March 8, 2022



Nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Nasa P20 hanggang P40 ang itinaas ng presyo ng ilang klase ng gulay at mayroon ding hanggang P100 ang iminahal.


* Repolyo - P120 mula P80

* Carrots - P90 mula P60

* Sayote - P50 mula P30

* Ampalaya - P150 mula P80

* Kamatis - P60 mula P40

* Cauliflower - P250 mula 150

* Broccoli - P250 mula 150


Ayon sa mga nagtitinda sa Murphy Market sa Quezon City, nabawasan ang mga biyahero ng gulay bunsod ng 9 na sunod-sunod na linggong oil price hike


Galing pa umano sa mga malalayong probinsiya tulad ng Benguet, Nueva Ecija at Pangasinan ang mga gulay.


Inaasahang tataas pa ang presyo ng mga bilihin sa mga susunod na araw dahil sa malaking oil price hike sa Martes, Marso 8.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page