ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 4, 2024
Boluntaryong sumuko ang businessman na si Cedric Lee kay NBI Director Atty. Medardo Dilemos matapos mahatulang guilty sa kasong isinampa ng actor at TV host na si Vhong Navarro.
Base sa ulat ng GMA News, pinick-up umano si Lee ng mga agents ng NBI sa Mandaluyong ilang oras matapos mahatulang guilty ang businessman kasama sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.
Reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo without bail ang naging hatol ng Taguig Regional Court nu’ng nakaraang Mayo 2 sa kasong serious illegal detention at pambubugbog sa It's Showtime host na si Vhong Navarro nu’ng 2014.
Gaya ng mga protocol sa mga naaaresto, kinuhanan din ng mugshot at fingerprints si Lee.
Comments