ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 4, 2023
Hindi itinago sa publiko ng actor-politician na si Joey Marquez na marami na siyang nakarelasyon noong kabataan niya kaya naman labing anim ang kanyang naging anak.
Aminado si Marquez na hindi siya naging mabuting asawa pero hindi siya naging pabayang ama sa kanyang mga anak. Gaano man siya ka-busy, lagi siyang may oras para sa kanyang mga anak kapag kailangan siya ng mga ito.
Hindi niya kinalilimutan ang kanyang responsibilidad bilang padre de familia. Kaya naman, nakahanda na rin ang kanyang Last Will and Testament kung saan ang kanyang 16 anak ay tatanggap nang pantay na mana sa kanyang perang maiiwan kapag siya ay yumao na.
Alam ni Joey Marquez kung gaano kahirap ang lumaking walang ama. Mula pagkabata hanggang sa siya ay tumanda, ang tanging nakasama niya ay ang kanyang ina.
Kaya ngayon ay bumabawi si Joey Marquez sa kanyang mga anak. Lagi siyang may oras para samahan ang mga ito. At maging ang kanyang mga apo ay binibigyan niya ng panahon upang maka-bonding ang mga ito.
Comments