top of page
Search
BULGAR

Guidelines sa paggamit ng electric vehicles, bubuuin ng DOE

ni Lolet Abania | March 21, 2022



Lilikha ang Department of Energy (DOE) ng mga guidelines o alituntunin para sa paggamit ng mga electric vehicles habang ang pending bill hinggil dito ay nakatakda pang pirmahan.


Sa isang interview ngayong Lunes kay Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., sinabi nitong nakasama sa panukala ang isang framework o balangkas na mag-aawtorisa sa DOE at Department of Transportation (DOTr) para buuin ang mga guidelines.


“Pangalawa, pipirmahan na rin po naka-pending na hong batas on electric vehicles,” ani Erguiza.


“Nakalagay na po diyan ang framework at binigyan ng authority ang DOE at gagawin nilang more particular ito, in coordination with the DOTr, at gagawin ang guidelines na ho rito,” dagdag pa niya.


Ayon kay Erguiza, nag-isyu na ng isang circular para sa certification sa mga nagnanais na magtayo ng mga charging stations para sa mga electric vehicles.


Sinabi pa ni Erguiza na nagde-develop na rin ng hydrogen fuel na mai-install sa mga electric vehicles para hindi na nila kakailanganin pa na i-charged ang mga ito.


“’Yung electric vehicle natin, merong tsina-charge, merong hindi na, merong hybrid. ‘Yung mga hybrid tumatakbo on their own, meron nang sariling mechanism sa sasakyan,” paliwanag pa ni Erguiza.

0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page