@Buti na lang may SSS | April 2, 2023
Dear SSS,
Magandang araw! Kamakailan ay namatay ang aking tito na isang miyembro ng SSS. Nais ko lang alamin ang proseso ng pagpa-file ng Funeral Benefit para matulungan ang aking tita na asawa ng tito ko. – Elaine
SAGOT:
Mabuting araw sa iyo, Elaine!
Una sa lahat, taos-puso naming ipinaaabot ang aming pakikiramay sa pagkawala ng tito mo. Hinggil naman sa iyong katanungan, hayaan mong talakayin natin sa ating pitak na ito ang Funeral Benefit Program ng SSS.
Ang Funeral Benefit ay isang cash o financial assistance na ibinibigay ng SSS sa sinumang nagbayad ng pagpapalibing ng isang miyembro. Simula Agosto 1, 2015, ito ay nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P40,000, depende sa bilang ng contributions at average monthly salary credit (AMSC) ng yumaong miyembro.
Para mag-qualify sa nasabing benepisyo ang yumaong miyembro, dapat nakapaghulog ng hindi bababa sa isang contribution o reported ng kanyang employer for coverage sa SSS.
Mayroong dalawang paraan ng pagpa-file ng Funeral Benefit claim. Ang una ay para sa mga claimants na SSS member din. Ito ay sa pamamagitan ng online. Ang ikalawa ay para sa mga claimant na hindi SSS member. Maaari naman itong gawin over-the-counter sa alinmang SSS branch.
Base sa mga nabanggit ko, mahalaga na malaman mo, Elaine, kung ang tita mo ba ang benepisyaryo ng tito mo at kung ano’ng paraan ng pagpa-file ang dapat niyang gawin.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.
Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.
Comments