ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 11, 2022
KATANUNGAN
Naisipan kong kumonsulta sa inyo sa dahilang hindi ko malaman kung ano ang mangyayari sa relasyon namin ng boyfriend ko dahil hanggang ngayon ay away-bati pa rin kami kahit magda-dalawang taon na kaming mag-on sa December 25.
Iniisip ko na baka hindi kami compatible sa isa’t isa. Kaya lang, nang makita ko ang aking mga palad, isa lang ang napansin kong Marriage Line. Ibig sabihin ba nito ay siya na ang makakatuluyan ko? Kung isa lang ang Marriage Line, nangangahulugan ba ito na first boyfriend na ang makakatuluyan?
KASAGUTAN
Hindi lang naman Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) ang tinitingnan sa guhit ng mga palad para sa mga relasyong short engagement lamang. Sa halip, may espesyal na lugar kung saan makikita sa guhit ng palad ang relasyon na hindi masyadong nag-iwan ng marka sa puso ng isang tao o hindi nauwi sa panghabambuhay na pagmamahalan.
Kabilang na sa mga relasyong ito ang crush na hindi naman nagkaroon ng katuparan, na makikita sa Mount of Venus o Bundok ng Pag-ibig (Drawing A. at B. arrow b.), sa kaliwa at kanang palad. Anumang guhit na pahalang dito at tumawid sa Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow c.) ay kinokonsiderang pakikipagrelasyon din, ngunit hindi naman mauuwi sa pag-aasawa o panghabambuhay na pagsasama. Sa halip, ang mga Guhit ng Relasyong (Drawing A. at B. r-r arrow b.) galing sa Bundok ng Venus o Bundok ng Pag-ibig (arrow b.) ay pansamantala lamang— maaaring fling o mga naging karelasyon sa maikling panahon, maaari ring sa mahabang panahon, pero tulad ng nasabi na, kahit sa mahabang panahon ay hindi naman ‘yun nag-iwan ng “quality at meaningful relationship”, hindi ‘yun guguhit sa Marriage Line.
Samantala, ang malinaw at makapal na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) ang naghahayag na may isa pang relasyon na darating sa buhay mo at sa pagdating ng nasabing bago at totoong pag-ibig, makakasumpong at makakaranas ka na ng pangmatagalan at maligayang pakikipagrelasyon, na hahantong sa masaya at panghabambuhay nang pag-aasawa.
MGA DAPAT GAWIN
Sa mahabang buhay ng isang tao rito sa mundo, sadyang maraming relasyon ang maaaring madaanan. Ngunit sa dinami-dami ng mga pakikipag-ugnayang ito, hindi maaalis na mabibilang o bihira lamang talaga ang relasyon na nag-iiwan ng galak sa iyong buhay at sadyang tumimo talaga sa kaibuturan ng iyong puso.
Ang huling relasyong binaggit sa itaas ay hindi pa dumarating sa iyo, kaya hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong mapapangasawa. Sa halip, ayon sa iyong mga datos, Mara, may isa pang lalaking darating sa iyong buhay na nagtataglay ng zodiac sign na Libra. Sa pagdating ng nasabing lalaki, siya na ang nakikita mong kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nakatakdang mapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Comments