top of page
Search

Guhit sa palad na maliliit, dahilan kaya naudlot ang pag-a-abroad

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| January 10, 2021




KATANUNGAN


  1. Noong nakaraang taon, nag-apply ako sa abroad at ang buong akala ko ay makakaalis na ako, pero biglang nagka-COVID-19, kaya hindi ako natuloy. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung pagkatapos ba ng pagsubok na ito at halimbawang naayos ko na ang mga kulang kong papeles, may tsansa pa ba akong makapag-abroad?

  2. Paalis na kasi ‘yung barko na sasakyan ko sana noong 2020, pero biglang nagkaroon ng pandemic, kaya na-hold ang aming biyahe. Ano kaya ang kapalaran ko, may posibilidad ba akong makaalis ngayong 2021?

KASAGUTAN


  1. Bahagyang pagkaantala o postponement lamang ang nais sabihin ng Guhit ng Maliit na Hadlang (d-d arrow a.) na medyo krumokes sa maaliwalas, mahaba at makapal namang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, Hernan, pansamantala lang ang hadlang sa iyong pag-a-abroad sa kasalukuyan, katulad ng naging problema ng lahat dahil sa pandemic, maraming negosyo ang nagsara at maraming pangingibang-bansa na hindi natuloy. Ngunit sa katotohanan, wala namang suliranin na hindi lumilipas at hindi nabibigyan ng solusyon, kaya naman sa sandaling natapos ang problema ng buong mundo sa pandemya, tiyak ang magaganap, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may isang masagana at produktibong pangingibang-bansa ang itatala sa iyong karanasan.

  3. Ang pag-aanalisang hindi ka dapat labis na malungkot dahil makapag-a-abroad ka naman, pero hindi lang sa panahon ngayon ay madali namang kinumpirma ng iyong lagda na hindi pa masyadong maganda at malinaw sa simula at gitnang bahagi, pero nang nasa gitna na ang iyong pagsulat, tuluy-tuloy na itong naayos at gumanda.

  4. Ibig sabihin, nasasagap na ng unconscious mong isipan na hindi pa sa mga panahong ito ka makapag-a-abroad, kundi sa last quarter pa ng taong 2021, humigit-kumulang sa buwan ng Setyembre o Oktubre, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Tandaang may panahon ang lahat ng bagay sa silong ng langit. Sabi nga sa Bible sa aklat ng Ecclesiastes, “For everything there is a season, and a time for every purpose under the heavens.” (Ecclesiastes 3:1).

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Hernan, tulad ng nasabi na sa itaas, tiyak ang magaganap sa last quarter ng kasalukuyang taong 2021 sa buwan ng Setyembre o Oktubre, wala nang hadlang, makakasampa ka na sa barko upang tuluyang itatala sa iyong kapalaran ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa edad mong 32 pataas.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page