top of page
Search
BULGAR

GSIS borrowers, puwede nang magbayad sa USSC outlets

ni Fely Ng | May 14, 2023




Hello Bulgarians! Saludo ang kolum na ito sa masisipag at tapat na kawani ng mga naglilingkod sa pamahalaan.


Kamakailan, ang State pension fund ng gobyerno, ang Government Service Insurance System (GSIS) ay lumagda sa isang kasunduan sa isang kilalang remittance firm ang Universal Storefront Services Corporation (USSC) upang ito ay tumanggap ng loan payments o mga bayarin ng GSIS borrowers sa pamamagitan ng humigit-kumulang na 800 payment collection sites ng USSC sa buong bansa.


Ang naturang kasunduan ay magbibigay sa GSIS ng 6,800 ng kabuuang bilang ng mga accredited GSIS’ external payment sites, kasama na rito ang 6,000 branches ng Bayad Centers at M. Lhuillier, dalawa pang authorized remitting firms na tatanggap ng loan payments mula sa kanilang mga miyembro.


Tulad ng Bayad Centers at M. Lhuillier, malapit na ring tumaggap ang USSC ng advance GSIS loan payments, gayundin ang mga underpaid, delayed, unpaid, o mga in default (mga hindi pa bayad ng halos anim (6) na buwan).


“This will encourage our borrowers with arrears to update their accounts conveniently. Isa rin ito sa mga paraan para mas mapabuti pa ang aming loan collection efficiency,” ani GSIS President and General Manager Wick Veloso.


Mula Abril 24, ang GSIS ay nakakolekta ng higit P346 milyon sa 33,224 transactions nito sa pamamagitan ng Bayad Center at M. Lhuillier. Dagdag pa ni Veloso, nakikipag-usap na ang GSIS sa Palawan Pawnshop at SM Corporation upang mapabilang sa kabuuang accredited external service payment providers sa higit 10,000 outlets nito sa buong bansa.


Ang mga GSIS borrowers ay puwede nang magbayad sa pinakamalapit na USSC outlets at mag-fill out ng form, ilagay ang last name, business partner (BP) number, loan type, at payment amount.


Ang validated USSC form ay magsisilbing proof of payment. Ang mga GSIS loan borrowers na magbabayad sa pamamagitan ng USSC’s payment sites at makakatanggap ng transaction slip upang i-confirm ang kanilang bayad at text message sa posting ng kanilang bayad. Puwede rin nilang i-validate ang kanilang mga payments sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app account.


“The key driver that USSC strives for is financial inclusion in servicing our customers using effective technology, harness that with the strength of our distribution network to provide customers and beneficiaries with efficient, hassle-free, and pain-free service. We hope to extend the same service to GSIS,” ayon kay USSC Chief Finance and Administrative Officer Carlos Borromeo.

Para sa iba pang detalye, ang mga interesadong miyembro ay maaaring bumisita sa GSIS website (www.gsis.gov.ph), o sa Facebook account (@gsis.ph); email gsiscares@gsis.gov.ph; o tumawag sa GSIS Contact Center at 8847-4747 (Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (for Globe and TM subscribers), at 1-800-10-847-4747 (for Smart, Sun, and Talk ‘N Text subscribers).

0 comments

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page