top of page
Search

Grupo ng mga manggagawa: “Mandatory vaccination sa mga manggagawa, ibasura!”

BULGAR

ni Jasmin Joy Evangelista | November 26, 2021



Umaapela ang mga grupo ng manggagawa sa pamahalaan na ibasura ang IATF Resolution 148B.


Laman ng resolusyon na simula Disyembre 1, ire-require na ang bakuna sa mga manggagawa sa iba’t ibang mga trabaho, at maging sa mga konsyumer sa iba’t ibang establisimyento.


Ayon sa Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations, tinututulan nila ang pamimilit at panggigipit ng resolusyong ito.


“Ang paggawang mandatory sa bakuna at ang kaakibat na mga resolusyon dito hinggil sa trabaho ay labag sa karapatan sa trabaho (right to work), freedom of choice (kalayaang pumili), at discriminatory sa mga di pa nababakunahan sa iba’t ibang dahilan”, pahayag pa ng grupo.


Sa kasalukuyan ay mayroon nang 3,585 signs ang online petition na inilunsad ng grupo at mayroon ding Worker’s Legal Assistance booth na itinayo sa iba’t ibang panig ng Metro Manila .


Nanawagan din ang grupo sa mga mamamayan at manggagawa na makiisa sa pagkilos upang depensahan ang trabaho ay karapatang pantao ng bawat Pinoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page