top of page
Search

GRETCHEN, MISSING IN ACTION

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | November 22, 2023


Usap-usapan na "nawawala" umano ang socmed account ni Gretchen Barretto.


Sa YouTube Channel nina Ogie Diaz, ang Showbiz Update ay napag-usapan nila si La Greta.


Anila, bakit daw ang new account ni Gretchen sa social media ay hindi na matagpuan?


Ani Ogie, “Ano ba ang nangyari sa Instagram account ni Gretchen Barretto? ‘Di na mahanap.


Ano'ng nangyari?”


"‘Di ba una, na-hack, ‘di na naibalik. Tapos, gumawa siya ng bago @Gretchen_Barretto, oh, nawala!” dugtong pa nito.


“Baka in-archive muna o baka naman nagpahinga muna si Gretchen? So dineactivate niya muna? Ano ba ‘yung nangyari?”


Sa huli, si Papa Ogs na rin ang nagbigay ng conclusion kung bakit nananahimik si La Greta sa social media.


“'Di na balita ito, eh. Baka gusto lamang manahimik ni Gretchen para at peace siya ngayon?


Kung ano man ang kanyang pinagkakaabalahan, ibigay natin sa kanya ‘yun.”


“Pero nami-miss ko kasi ‘yung posts ni Gretchen. ‘Yung mga pagka-sosyal niya, ‘di ba? OOTD niya. Wala. Naninibago lang ako,” aniya pa.


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page