ni ATD - @Sports | December 23, 2020
Kulang na nga sa armas ay nanganganib pang hindi makalaro si Golden State Warriors power forward Draymond Green sa kanilang unang laro laban sa Brooklyn Nets ngayong araw sa simula ng 2020-21 NBA season.
Hindi na nakasama sa training camp ng GSW si Green at hindi rin nakalaro sa kanilang unang laban sa preseason dahil nagpositibo ito sa coronavirus (COVID-19).
At ngayong negatibo na ulit sa COVID-19 si Green ay may isa na namang poroblema ang bataan ni Warriors head coach Steve Kerr.
Ayon kay Kerr, alanganin pang maglaro ang kanilang three-time All-Star na si Green sa opening day dahil sa injury.
Sinabi ni Kerr na hindi naman pangmatagalan ang injury ni Green pero hindi naglaro ang kanyang bataan noong Sabado na preseason. “Draymond did not practice, so he’s doubtful for Tuesday. He tweaked his foot in the scrimmage two days ago. Didn’t really know (how severe) until the next morning when he woke up; it was a little sore.”
Posibleng hindi rin makalaro si Green sa araw ng Pasko laban sa Milwaukee Bucks pero kumpiyansa silang sasalang ang kanilang pambato sa road games nila ngayong taon.
Matinding sandata ang hindi makakalaro para sa GSW ngayong season ito'y ang kanilang kamador na si Klay Thompson.
Samantala, bukod sa Brooklyn vs GSW, ang ibang maglalaban sa pagbubukas ng 2020-21 season ay ang defending champion Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.
Comments