ni Mylene Alfonso @News | August 5, 2023
Isang tripartite agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Energy Regulatory Commission (ERC), Iloilo City Government at More Electric and Power Corporation (More Power) na nagsusulong ng paggamit ng renewable energy resources na magbibigay daan sa pagbaba pa ng presyo ng kuryente.
Sa ilalim ng kasunduan, mag-eestablisa ng one-stop shop na nag-aalok ng renewable energy technologies gaya ng Net-Metering at Distributed Energy Resources (DER) na maaaring pagpilian ng mga consumers.
Ayon kay More Power President at CEO Roel Castro, ang kasunduan sa pagitan ng ERC at Iloilo City ay bilang pagsuporta sa target ng pamahalaan na mabawasan ang greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng paggamit na ng renewable energy resources.
Sinabi ni ERC Chairperson at CEO Atty. Monalisa Dimalanta na sa ilalim ng kasunduan ang ERC ang magbibigay ng technical at regulatory expertise.
Nabatid na ang Iloilo City ang ikalawa lamang sa mga pilot Local Government Unit partner ng ERC para sa Net-Metering at sa kanilang greater renewable energy program.
Hinimok ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga residente na lumipat na sa paggamit ng renewable energy para sa tiyak na pagbaba ng kanilang energy consumption.
Comments