ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Marso 21, 2024
Kasalukuyan itinatayo ang New Senate Building (NSB) sa lungsod ng Taguig.
Bilang pagkilala sa realidad ng krisis sa klima, nilalayon ng NSB na maging “green building.”
Ang green building ay gusaling tinatanggal ang mga salik sa disenyo, konstruksyon, materyales, enerhiya, at iba pa para mabawasan ang negatibong epekto nito sa kalikasan.
☻☻☻
Kaugnay nito, nagtamo ng four-star rating ang NSB mula sa Building for Ecologically Responsive Design Excellence (BERDE) green building rating system.
Ang BERDE ay nilikha ng Philippine Green Building Council (PHILGBC). Ito ay national voluntary green building rating system na naglalayong tugunan ang epekto sa klima ng building industry.
Natamo ng NSB ang 4-star rating sa Stage 1, Round 2 evaluation na natapos noong September 7, 2023. 75 out of 79 target credits ang nakamit sa loob ng evaluation period na ito.
Target ng Senado na makakuha ng 5-star rating sa mga susunod na evaluation.
☻☻☻
Umaasa tayong mas marami pa ring mga gusali’t istruktura ang susunod sa green architecture sa gitna ng hamon ng krisis sa klima.
Dumadagdag ang mga malalaking gusali sa polusyon at carbon emission na sanhi ng patuloy na pag-init ng klima.
Panahon na para gawing mainstream ang green architecture para sa kapakanan nating lahat.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments