ni Fely Ng @Bulgarific | Marso 13, 2024
Hello, Bulgarians! The great reveal! Inilunsad at ipinagdiwang kamakailan ng GreatWork, isang fast growing community at office space provider, ang pagbubukas ng ikaapat na branch nito sa pamamagitan ng isang engrandeng seremonya sa Mandaluyong City.
Ang bagong opisina nito ay mayroong 6,000 square meters na matatagpuan sa ika-32 palapag ng Mega Tower sa Ortigas Center.
Kabilang sina Mayor Benjamin Abalos, Sr. at National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Ma. Monica P. Pagunsan, sa nagsalita sa event, na nagpahayag ng kanilang pananabik na masaksihan ang mga inobasyon sa loob ng bagong opisina.
“It is investors like you that makes Mandaluyong progress. Diyan ako natutuwa,” saad pa ni Mayor Abalos.
Sinabi ni NEDA Undersecretary Pagunsan ang kabuluhan ng pagpapalawak ng GreatWork, na binanggit ang potensyal nito na makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mga naturang hakbangin ng socio-economic sa pag-unlad ng Pilipinas.
“We are looking forward to few more years to work with you, to make this very productive partnership,” pahayag pa niya.
Ibinahagi ni Nikita Yu, Vice President and Managing Director, Chief Operating Officer ng GreatWork, ang kahanga-hangang paglalakbay ng kumpanya mula sa pagkakabuo nito noong 2018 sa isang maliit na opisina sa Quezon City hanggang sa kasalukuyang pagpapalawak nito sa Mega Tower.
Sa kabila ng mga hamon tulad ng pandemya ng COVID-19, plano ng GreatWork sa hinaharap na palawakin ang sakop nito sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao, na tinatarget sa mga lokasyon sa Cebu City at Davao City para sa mga susunod na sangay nito.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comentarios