top of page
Search

Grassroots sa fencing, susuyurin hanggang vismin

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | May 05, 2021




Tiwala si Philippine national fencing head coach Roland Canlas na makakamit ng bansa ang inaasam na mataas na karangalan at magandang estado sa pandaigdigang kumpetisyon, higit na sa prestihiyosong Summer Olympic Games sa mga darating na panahon sakaling maging matagumpay ang pagpapatuloy ng magandang grassroots program ng kanilang national sports association (NSA).


Aminado ang dating national team member at Southeast Asian Games gold medalist na si Canlas na kailangan pa nilang makahanap at makapag-develop ng mga tulad ni Penn State University MVP at dating Juniors fencing champion Samantha Catantan na maaaring sumunod sa mga yapak nito at magpatuloy sa magandang programa ng Philippine Fencing Association (PFA) upang matupad ang pangarap na makarating ang isang national fencer sa Olympiad at kinalauna’y magwagi ng medalya rito.


Ang nakita ko talaga na natutunan ko dun (Olympic Qualifying) is mas malaki ang chance natin na makapasok sa Olympics. Kaya nga ito sabi ko sa coaches na maghanap tayo ng kasing tapang ni Sam sa epee, sabre, mag-vision na tayo from now to Paris [Olympics], sundan natin yung iba,” pahayag ni Canlas, Martes ng umaga sa weekly PSA Forum webcast. “Sa Ormoc ang daming potential na bata. What if meron pala sa Mindanao, Visayas na magiging Olympians o Olympic champions.”


Nakikinita ni Canlas na darating ang panahon na mararating rin nilang makapagpadala ng atleta sa Olympiad, higit na ang sinisipat na 2024 Paris Olympics, kung saan malaki ang tsansa na mairepresenta ng mga Filipino, higit na si Catantan, na kinapos lamang ng bahagya sa Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament nitong nagdaang Abril sa Tashkent, Uzbekistan ng makuha ang bronze medal, na matupad ang matagal ng pinapangarap ng bansa, sa tulong ni PFA head Dr. Richard Gomez at ng yumaong si dating Philippine Olympic Committee (POC) president at pinuno ng Fencing Confederation of Asia Celso Dayrit.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page