ni BRT @News | October 3, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_1bc21c89054f49138be7f5668cdb3cf3~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2551ae_1bc21c89054f49138be7f5668cdb3cf3~mv2.jpg)
Nahaharap sa mga kasong graft at malversation sa Office of the Ombudsman si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Kaugnay umano ito sa pag-abuso sa kanyang “discretion” sa pamamagitan ng pag-realign ng Malampaya Fund sa mga bankroll government project, na labas umano sa kung saan dapat gamitin ang pondo.
Napag-alaman na isinampa ang mga kaso ng advocacy group National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. noong Setyembre 28.
Inakusahan nila si Arroyo ng pag-abuso sa Presidential Decree 910.
Comments