top of page
Search
BULGAR

Grade 12, bumulusok mula 6th flr. ng San Beda, patay

ni Gina Pleñago | February 10, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Palaispan sa pulisya kung tumalon o nahulog mula sa ika-6 na palapag ng isang eskuwelahan ang 17-anyos na estudyante sa San Beda College sa Bgy. Alabang, Muntinlupa City, kahapon.


Ang nasabing biktima ay lalaking Grade 12 student ng San Beda College, residente sa Parañaque City.


Batay sa inisyal na ulat ni P/Chief Master Sergeant Mark Sherwin Forastero, alas-12:05 ng tanghali nang bumagsak mula 6th floor ng Lady of Monserat Building ang biktima.


Batay sa pahayag ng saksi na si alyas ‘Jas’, canteen concessionaire ng kolehiyo, ipinarada niya ang kanilang sasakyan sa harapan ng nasabing gusali nang biglang bumagsak ang biktima.


Agad niyang ini-report ang insidente at isa sa rumesponde ang school nurse na si Airon Joris Aman, na nagbigay ng first aid bago dali-daling isinugod sa Asian Medical Hospital ang estudyante subalit idineklarang patay, ala-1:16 ng hapon.


Kabilang din sa rumesponde ang mga tauhan ng Sucat Police sub-station office.


0 comments

Recent Posts

See All

Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page