top of page
Search

Graceful Gift mahusay sa Turf Sevilla Race

BULGAR

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 17, 2024

 

Napanood ng mga karerista ang husay ng Graceful Gift nang manalo sa NPJAI-FR Sevilla Industrial & Dev. Corp na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

 

Nirendahan ni Pabs Cabalejo, ipinuwesto nito ang Graceful Gift sa pang-apat sa largahan habang nagbabanatan sa unahan ang Luke Skywalker at Benjie's Prayer sa kaagahan ng karera. Papalapit ng far turn ay kumukuha na ng unahan ang Benjie's Prayer habang nasa segundo puwesto na ang matikas din na Badboy MJ.

 

Pagdating ng rektahan ay dalawang kabayo ang lamang ng Benjie's Prayer sa pumapangalawang Badboy MJ pero malakas ang dating ng Graceful Gift na dumaan sa bandang labas.

 

Sa huling 150 metro ng karera ay nasa unahan pa ang Benjie's Prayer ng tatlong kabayo pero umuusok ang remate ng Graceful Gift kaya naungusan ng huli ang una pagtawid ng meta.

Dalawang kabayo ang bentahe ng Graceful Gift sa sumegundong Agaron nang tawirin nito ang finish line habang tersero ang Benjie's Prayer at pang-apat ang Moment Of Truth.

 

Nirehistro ng Graceful Gift ang tiyempong 1:27.6 minuto sa 1,400 meter race, sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Paolo Mendoza ang added prize na P11,000.

 

May walong karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo, lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.  

 

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page