ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 02, 2021
Magpapabonggahan ang dalawang online shopping apps sa kanilang gagawing mid-year celebration sale ngayong June 6 (6.6).
Kung sina John Lloyd Cruz at Willie Revillame ang pambato ng Shopee sa big event na gagawin sa Smart Araneta Coliseum, si Alden Richards naman ang biggest endorser ng Lazada sa kanilang mid-year sale promo.
Kaya ang magiging labanan ng promo ay John Lloyd vs. Alden sa darating na June 6 mid-year sale!
For sure, milyones ang ibinayad na talent fee kay Lloydie ng Shopee, ganu'n din naman ng Lazada kay Alden.
Bongga ang ganitong pakulo ng mga online shopping apps. At paramihan-palakihan sila ng mga celebrity endorsers.
Sa Wowowin ay may regular spot at sponsorship ang Shopee kapag may special sale promo. Napakalaki ng exposure ng Shopee sa Wowowin. Pero, milyon ang ipinamimigay nilang premyo sa mga lucky viewers na natatawagan.
Commentaires