ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 28, 2024
Ipinagdiwang ng TikTok sensation na si Niana Guerrero ang kanyang ika-18 na kaarawan sa pamamagitan ng isang malaking debut party sa The Tent sa Las Piñas noong Sabado ng gabi.
Sa Instagram, nagbigay ng pasilip ang Nice Print Photo sa birthday party ni Niana.
Nakasuot ang 18-anyos ng vibrant red ball gown na likha ng kilalang Filipino fashion designer na si Michael Cinco. Isa sa best feature ng gown ay ang corseted top at puffed sleeves nito.
Kilala si Niana sa kanyang mga dance cover at choreography sa TikTok. Noong nakaraang taon, naging follower niya si Jungkook ng BTS sa social media at pinuri ang kanyang "3D" dance cover.
Kabilang sa mga top online content ni Niana ang "Wednesday" dance challenge at ang kanyang mga video kasama si Jay B ng GOT7 at si Sabrina Carpenter.
Comments