ni Gina Pleñago | July 13, 2020
Numero uno umanong lumalabag sa EDSA busway ang mga government employees, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sa pahayag ni MMDA Spokesman Celine Pialago, mula nang ipatupad ang EDSA busway noong Hunyo 1, pumalo sa 1,200 ang nahuling lumalabag dito.
Aniya, kalahati sa mga pasaway ay pawang mga empleyado ng gobyerno.
Napag-alaman na aabot sa 30 sasakyan ang nahuhuli kada araw ng MMDA, traffic personnel o Inter-Agency Council for Traffic at Highway Patrol Group.
Ang EDSA busway ay ang innermost lane na inilaan para lamang sa mga bus.
Comments