top of page
Search
BULGAR

Gov’t assistance para sa mga pamilya sa bumagsak na Bohol bridge – Palasyo

ni Lolet Abania | April 28, 2022



Nangako ang pamahalaan na magbibigay ng tulong sa mga apektadong indibidwal sa nangyaring pagbagsak ng tulay sa Loboc River sa Loay, Bohol nitong Miyerkules, ayon sa Malacañang.


Sa isang statement, nagpahayag din si acting Presidential Spokesperson Martin Andanar ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima na nasawi sa insidente.


“We express our condolences to the families of the victims who perished with the collapse of a bridge in Loay town in Bohol. We likewise pray for the swift recovery of those who got injured,” ani Andanar.


“Authorities are currently conducting an investigation even as we assure everyone, especially affected residents and communities, of government assistance,” dagdag niya.


Sa paunang ulat, apat na katao ang namatay habang 15 ang nasaktan matapos na ang lumang Clarin Bridge ay bumagsak habang maraming sasakyan ang dumaraan dito.


Noong 2013 na lindol, ang tulay ay na-damage subalit ginagamit pa rin ito habang ang mga motorista ay naghihintay sa bagong tulay sa tabi nito na matapos na magawa.


Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), patuloy ang kanilang search and rescue operations sa lugar.


Sa initial report ng NDRRMC ngayong Huwebes, lumabas sa imbestigasyon na 12 utility vehicles at isang delivery truck, na may kargang graba at buhangin para sa konstruksyon ng bagong magkadugtong na tulay, ang bumabagtas sa naturang lumang tulay.


“This caused serious tension and the collapse of the bridge,” saad ng NDRRMC.


“The old Clarin Bridge was damaged during the 2013 Bohol earthquake and recently served as a detour bridge for the on-going new Clarin Bridge, a Nielsen-type bridge adjacent to the old bridge,” dagdag nito.


Nakilala ang mga nasawi na isang 65-anyos na babae mula sa Loay, isang 30-anyos na lalaking Austrian national na nanunuluyan sa Panglao, isang 29-anyos na lalaki mula sa Tagbilaran City, at isang 33-anyos na lalaki mula sa Dauis.


Batay pa sa NDRRMC, ang bilang ng mga nasaktan sa ngayon ay nasa 17 na.


Samantala, tinatayang nasa 23 indibidwal ang nailigtas sa insidente.


Sa report ng GMA News nitong Miyerkules, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang mga survivors ay nasa loob ng kanilang mga sasakyan nang mag-collapse ang tulay.

Isinisi naman ni Bohol Governor Art Yap na ang pagbagsak ng tulay ay sanhi ng matinding trapiko.


“According to Engineer Magiting Cruz of the DPWH, the possible cause why the bridge collapse was because the bridge is only for flowing traffic,” giit ni Yap.


“There were a lot of cargo vehicles on the bridge, and the bridge could not take the weight. That’s the reason why they collapsed,” dagdag pa ng governor.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page