ni Jasmin Joy Evangelista | March 23, 2022
“Yabang lang ‘yun!”
Ito ang pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla habang tumatawa nang tanungin hinggil sa 800,000 votes sa kanyang probinsiya para kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos nitong Martes.
Sinabi ito ni Remulla sa muling pagbisita nina Marcos at running mate nito na si Davao City Mayor Sara Dterte-Carpio sa vote-rich Cavite.
Nagsagawa ng grand rally ang Uniteam sa bayan ng General Trias kung saan ayon kay Remulla ay dinaluhan ng nasa 100,000 katao.
Ito ay bukod pa sa estimated na 40,000 katao na ayon sa gobernadora ay nasa labas ng venue.
“I asked them to come back,” ani Remulla sa mga reporters nang tanungin kung bakit muling bumisita ang Uniteam sa Cavite.
“Cavite has something to prove… Cavite is the epicenter of Philippine politics. Where Cavite goes, the country goes,” dagdag pa niya.
留言