ni Lolet Abania | July 29, 2021
Isinugod sa Makati Medical Center si Senador Richard Gordon nitong Miyerkules nang gabi dahil sa COVID-19. “Upon the advice of his physician, Senator Dick Gordon was admitted last night to the Makati Medical Center for observation and further testing related to COVID-19,” batay sa isang statement na inilabas ng kanyang opisina ngayong Huwebes nang hapon.
Sa inisyal na COVID-19 panel test results at CT-scan findings, lumabas na ang 75-anyos na senador ay nakararanas ng COVID-related pneumonia.
“Senator Gordon is being treated accordingly and will remain at MMC until further notice,” dagdag pang statement.
Una nang sinabi ni Gordon nu'ng Miyerkules nang umaga na tinamaan siya ng naturang respiratory disease, kung saan siya ay asymptomatic, subalit may mga kakaiba siyang nararamdaman patungkol sa kanyang kalusugan dahil nahihirapan siyang makatulog.
Binanggit pa ng senador na siya ay fully vaccinated laban sa COVID-19 gamit ang AstraZeneca vaccine.
Comments