top of page
Search
BULGAR

Google, tagumpay sa quantum computing gamit ang bagong chip

ni Angela Fernando @Tech News | Dec. 10, 2024



Photo: Quantum computing willow chip / Google


Inihayag ng Google kamakailan ang isang mahalagang tagumpay sa larangan ng quantum computing matapos nitong malutas ang isang komplikadong problema sa loob lamang ng limang minuto gamit ang kanilang bagong chip.


Ito ay nakamit sa quantum laboratory sa Santa Barbara, California.


Tulad ng Microsoft at International Business Machines, ang Google ay patuloy na namumuhunan sa quantum computing dahil sa potensyal nitong magbigay ng pinakamabilis na computer system sa kasalukuyan.


Bagama’t walang agarang application ang matematikal na problemang nalutas ng quantum system ng Google, umaasa ang kumpanya na magagamit ito sa hinaharap upang resolbahin ang mga hamon sa medisina, battery chemistry, at artificial intelligence—mga problemang hindi kayang tugunan ng mga tradisyunal na computer.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page