top of page
Search
BULGAR

Goodbye, showbiz na? XIAN, NAG-AARAL MAGING PILOTO

ni Beth Gelena @Bulgary | Sep. 21, 2024



Showbiz News

Ifinlex ni Xian Lim ang photo niyang um-attend ng klase sa aviation school.

Nag-enroll ang actor sa Topflite Academy na located sa Pasay City.


Sa isang larawan, makikitang kasama ng actor ang dalawa niyang instructors na nakangiting pinagmamasdan ang kanyang ginagawa.


Nagkomento naman ng congratulatory note ang mga netizens and wish him good luck sa bagong endeavor ng actor-direktor.


Ang caption ni Xian, “Solid class today with capt. @davidrobin_ capt. @air.paulc and capt. @_johannesco (airplane emoji)- @topfliteacademy.” 


Sa isa namang larawan, ang kanyang isinulat ay “Getting ready to (airplane emoji).” 


Komento ng mga netizens: 


“We are proud of you! Take care always.” 

“Lets goooo.” 

“Pilot-in-the-making @xianlimm in good hands.” 


Si Rocco Nacino na isa sa mga commenters, “Grabe Capt. na ang tawag ko sa 'yo!” 

Ibang mundo naman ngayon ang tatahakin ni Xian Lim. Hindi naman masama dahil taglay naman niya ang magandang tindig at pangangatawan na bagay maging piloto.


Tanong tuloy ng mga netizens, mag-iiba na ba siya ng trabaho, from actor to piloto?


 

BALIK-MOVIE si Alexa Ilacad sa pelikulang Mujigae kasama ang South Korean actor na si Kim Ji-soo. 


Ayon sa singer-actress, naka-relate umano siya sa kanyang karakter pero aminadong nanibago sa muling pagsabak sa acting. 


Ang nasabing movie ay isang pangalan na ayon sa kanyang Instagram (IG) feed ay tatatak sa puso ng mga manonood dahil family drama ito. May special participation sa Mujigae ang comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto.


Nang i-offer daw sa kanya ang role bilang Sunny, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito. Aniya, naka-relate umano siya sa karakter ni Sunny who is not fond of taking care of children.


“I’m not really fond of kids. Until, nagkaroon ako ng pamangkin, maliliit pa ang pamangkin ko and honestly, they changed my life and sila lang talaga ang bata na gusto ko. Pero after working with Ryrie, sabi ko ‘Ahhh, cute rin naman pala sila, okey din naman pala’ and she’s so matured. Kulang na lang, mag-heart-to-heart na talaga kami like, Sis, para na kaming magkatropa sa set, ang saya niyang kasama.”


Dagdag pa ni Alexa, “Takeaways ko, actually it’s really hard to be a mother. And it takes so much selflessness to be a mother. Napasabi tuloy ako sa sarili ko, ‘Kaya ko ba ‘to if ever?’ Of course, the Alexa that is me today, wala pa talaga ‘yun sa isip ko talaga, as in, ‘di pa ako nag-iisip at all to be a mother or to have a family, not really the priority as of now.”

Komento ng mga netizens…


“Parang paiiyakin tayo ni Sunny at Mujigae. Excited to meet Sunny! Congrats, love @alexailacad.”


“Why do I feel like this would be a tear jerker? It gives off that vibe. Anyway, congrats Alexa. This looks promising!”


Ang gumaganap na Mujigae ay isang half Pinay-Korean na si Ryrie Turingan.


Dahil sa movie, ang realization ng actress is to prioritize and secure her future dreams kung siya ay magde-decide nang magkaroon ng sariling pamilya.

“I want to build a career, I want to be really, really rich and I know, that could be pretty hard. Pero, na-open din naman po ako na parang it’s not so bad naman pala or maybe one day, as long as I am stable and I have a good partner with me, maybe I think I would like to try to have a family or to have a kid, but right now, I am a fur mom and that is also hard work and that is something I really enjoy.


“In this life, ang taas ng mga bilihin, etc. ang economy ang hirap. Kaya sabi ko, move na lang po ulit kung kailan na lang po sobrang yaman ko na, saka na lang ako mag-aanak whenever that happens and this is a personal choice,” mahaba niyang sabi.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page