top of page
Search
BULGAR

Good News: Presyo ng bigas mababa na, bad news: Iilang Kadiwa store lang mabibili ng mura

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 12, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PANALO ANG MASANG PINOY KINA SEN. BONG GO, MANONG CHAVIT SINGSON AT TV HOST WILLIE REVILLAME -- Sa mga bagong kakandidato sa pagka-senador ay sina former Gov. Chavit Singson at TV host Willie Revillame ang may mga statement na masasabing mula sa puso talaga nila para sa ikabubuti ng mga mahihirap at masang Pilipino ang siyang naging dahilan kung kaya’t lalahok sila sa senatorial election next year.


Ayon kay Manong Chavit, manalo o matalo man, itutuloy niya ang e-jeep, e-tricycle at e-motorcycle modernization program para sa mga masang tsuper nang walang down payment at zero interest, na ang ipupuhunan niya rito ay magmumula sa sarili niyang Vigan Bank sa Amerika at Pilipinas, at sabi naman ni Revillame ay hindi na umano niya nagugustuhan ang bangayan sa gobyerno, ang pabida ng mga senador na kinalimutan na ang mga maralita, kaya’t gagawa raw siya ng batas para sa mga mahihirap sa mga laylayan ng lipunan.


Kapag naging senador sina Manong Chavit at Revillame, plus may Sen. Bong Go pa na reelectionist na siyang gumawa ng batas na Malasakit Center at Super Health Center, para sa mahihirap ay siguradong panalo rin ang masang Pinoy, period!


XXX


ANJO YLLANA, PARANG TURUMPONG KANDIDATO -- Sa mga artistang pulitiko, si Anjo Yllana ang parang turumpong kandidato na ikot nang ikot.


Unang sabak niya sa pulitika ay nanalo siyang city councilor ng Paranaque City noong year 1998, tapos naging vice mayor din ng lungsod noong year 2004. Pagkaraan niyan ay kumandidato siyang city councilor ng Quezon City noong year 2013 at pinalad na manalo, at noong 2022 election ay nag-file siya ng candidacy for congressman ng Camarines Sur pero nag-withdraw, at sa darating na 2025 midterm election ay pagka-vice mayor naman ng Calamba City ang kanyang tatakbuhan, he-he-he!


XXX


KAPAG MAY BIGTIME OIL PRICE HIKE, KABUNTOT NIYAN BIGTIME TAAS-PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN -- May bigtime oil price hike na naman next week (Oct. 15), P2.21 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina, P2.37 sa kada litro ng diesel at P2.48 sa kada litro ng kerosene.


Kapag nagkaroon ng bigtime oil price hike, ang kabuntot niyan ay pagtaas din ng inflation rate at dahil diyan asahan na magkakaroon din ng bigtime taas-presyo sa mga bilihin at bayarin, nakupo!


XXX


GOOD NEWS: MABABA NA ANG BIGAS, BAD NEWS: SA IILANG KADIWA STORES LANG PALA MABIBILI ANG MURANG PRESYO NG BIGAS -- Good news! Ibinida ng Malacanang na mababa na raw ang presyo ng per kilo ng bigas sa bansa.


Bad news! Sa mangilan-ngilang Kadiwa stores lang makakabili ng murang bigas, hindi sa lahat ng pamilihan, hindi sa palengke, hindi sa mga grocery, boom!

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page