ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Sep. 26, 2024
May magandang balita ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na makatutulong sa ating mga kababayan.
Inanunsyo ng PhilHealth na magkakaroon ng dagdag na 30 percent sa coverage rates ng mga benefit packages nito sa November.
Pangalawang 30 percent increase ito sa coverage rates pagkatapos unang maimplementa noong Pebrero.
☻☻☻
Ayon din sa PhilHealth, tatanggalin na nito ang kontrobersyal na “single period of confinement rule.”
Ang tuntuning ito ay base sa PhilHealth Circular No. 0035, s. 2013, na nagsasaad na “admissions and re-admissions due to the same illness or procedure within a 90-calendar day period shall only be compensated with one case rate benefit.”
Marami na ang umaalma sa polisiyang ito sapagkat mas bumibigat ang sitwasyon na hinaharap ng mga may “chronic illness” o sakit na paulit-ulit gaya ng pneumonia, acute gastroenteritis, urinary tract infection, at chronic kidney disease.
Sa katunayan, noong 2023 ay umabot sa 26,750 claims ang tinanggihan ng PhilHealth dahil sa single period of confinement rule.
☻☻☻
Suportado natin ang pagbasura sa tuntuning ito.
Umaasa tayong sa tulong nito ay maibsan ang bigat na dinadala ng mga kababayan nating may sakit, lalo na ang mga may chronic illness.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments