top of page
Search
BULGAR

Gonzaga ng HD Spikers, isa na lang para sa PVL semis

ni GA @Sports | November 26, 2023




Mga laro sa Martes

(Philsports Arena)

2 n.h. – Farm Fresh vs Galeries

4 n.h. – Choco Mucho vs Gerflor

6 n.g. – Creamline vs Chery Tiggo

Isang panalo na lang ang kinakailangang mapagwagian ng Cignal HD Spikers upang makuha ang isang silya sa semifinals matapos madaling walisin ang NXLed Chameleons sa bisa ng 25-17, 25-14, 25-14, sa unang laro ng nakalatag na triple-header sa nalalapit na pagtatapos ng preliminary round ng 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kumamada si Sgt. Jovelyn Gonzaga ng double-double sa 12 puntos mula sa siyam na atake at tatlong blocks, kasama ang 10 excellent digs at pitong excellent receptions upang makuha ang solong ika-apat na pwesto sa 7-3 kartada upang mamurong makapasok sa Final Four na kinakailangang mapagwagian ang nalalabing laro kontra sa Gerflor Defenders upang makuha ang mahiwagang numero patungo sa semifinal round.

Sobrang sakit nu'ng pagkatalo namin sa Chery (Tiggo), pero nag-move on na kami and ni-look out namin na must win yung remaining games. Nag-focus lang kami sa training para ma-achieve yung panalo [and] nakita naman yung outcome ng pinaghirapan naming training,” pahayag ng 5-foot-8 ng opposite spiker na sinabing nakatuon ang kanilang pansin sa susunod na laban sa Gerflor bago tignan ang darating na semifinal round. “Mindset lang namin is one game at a time, kaya nakafocus kami sa Gerflor, para sakaling manalo kami ay dala namin yung pride at confidence para sa mga suusnod na game,” dagdag ng 32-anyos mula Jordan, Guimaras.

0 comments

Recent Posts

See All

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page