top of page
Search
BULGAR

Gobyerno, todo-gastos sa pag-promote ng bansa, palpak naman ang airlines

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 25, 2023


Noong Miyerkules sinimulan natin ang imbestigasyon sa sari-saring reklamo ng ating mga kababayan laban sa Cebu Pacific at iba pang airlines sa bansa.


Ilang mga resource persons ang naglahad ng kanilang mga karanasan kung papaano nauwi sa kanselasyon ang kanilang mga flight.


Base sa kanilang mga kuwento, pare-pareho sila na hindi nabigyan ng malinaw na paliwanag kung anong nangyari sa kanilang mga flight.


☻☻☻


Nakalulungkot dahil lumalabas sa ating pagdinig na tila manhid na sa reklamo at dinaranas ng mga pasahero ang ating mga airlines.


Tila nawala na rin ang human touch dahil chatbot na lang ang hinaharap sa mga pasahero gayung ang gusto lang naman nila ay tao mismo ang magpaliwanag kung bakit na-cancel ang flight o kung bakit hindi sila makakasakay.


Our people deserve better. Hindi puwedeng pasahero na lang lagi ang patuloy na mag-a-adjust.


Gastos nang gastos ang ating gobyerno sa promotion ng ating bansa pero sangkaterba pa pala ang problema lalo na pagdating sa ating mga airport at airlines.


Bukod dito, baka ‘yung mga inaasahan nating magiging repeat tourists ay hindi na bumalik at mag-iwan pa ng bad review sa Pilipinas dahil sa hindi magandang experience nila.


☻☻☻


Hindi finger-pointing ang target natin sa hearing kundi ang paghahanap ng epektibong solusyon para matapos na itong aberya ng mga pasahero ng airlines.


Umaasa tayong mula sa imbestigasyon na ito ay makakahanap tayo ng solusyon upang mapabuti ang lagay ng ating air transport sector at magtataguyod sa kapakanan ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page