top of page
Search

Gobyerno at publiko, joint forces sa EDSA rehab

BULGAR

by Info @Editorial | Mar. 31, 2025



Editorial

Ngayong Abril inaasahan ang pag-arangkada ng EDSA rehabilitation.

Kaugnay nito, magsasanib-puwersa ang transportation agencies sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga solusyon at paraan para naman sa bahagi ng mga motorista at komyuter para kahit papaano ay maibsan ang matinding epekto na isasagawang rehabilitasyon. Una nang ipinabatid na bubuksan ang mga posibleng alternate routes at magsasagawa ng contingency plans kaugnay ng proyekto.


Ang EDSA ay itinuturing na major artery na konektado sa mga daanan sa buong Metro Manila kaya naman kung may mga isasaradong lanes, kailangan ng konkretong plano para hindi masyadong maramdaman ang epekto nito.


Samantala, mahalaga na kasabay ng pisikal na rehabilitasyon ng kalsada ay ang pagreporma sa sistema ng trapiko. Ang mga makabagong solusyon tulad ng intelligent traffic management systems, mga bagong pamamaraan ng pag-aayos ng mga kalsada at mga teknolohiya ay makakatulong upang mapabilis ang daloy ng trapiko. 


Kailangan din ang pagbabago sa mga polisiya at sa disiplina ng bawat isa sa paggamit ng pampasaherong sasakyan. 


Sa pamamagitan ng sabayang aksyon ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, at ng mga mamamayan, magiging mas magaan ang daloy ng buhay sa EDSA at sa buong Metro Manila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page